103

By ,

5,000 atleta paastigan sa Batang Pinoy-Luzon

Lampas 5,000 atleta mula sa 120 na lokal na pamahalaan ang inaasahang sasabak sa Luzon qualifying leg ng Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission na magbubukas Linggo sa Ilagan City, Isabela.

“We are ready, and at the same time excited to welcome the athletes for the much awaited Batang Pinoy Luzon qualifying leg here in Ilagan City,” sabi ni General Services Office Chief Ricky Laggui.

Dagdag pa ni Batang Pinoy National Secretariat Head Reina Evangelista, ginagawa aniya lahat ng PSC working committees ang lahat para mabigyan ng magandang serbisyo ang pinakamalaking delegation sa tatlong qualifiers.

Ang grassroot sporting event na ito ng PSC para sa mga in-school at out-of-school na bata, 15-anyos pababa, ay magsisimula ngayong Marso 17 hanggang 23 at may 20 sporting events sa 17 magkakaibang venue gaya ng mga naunang leg sa Tagum at Iloilo City.

Ayon pa kay Evangelista ang Ilagan East Intergrated School, Manaring Elementary School, Lullutan Elemenatary School, Ilagan South Central School, Alibagu National High School, Isabela National High School, Ilagan West Central School at ISAT-Main Campus ang magsisilbing panuluyan sa buong linggo ng event.

Noong Enero 15 ay kinatawan ni Laggui si Ilagan City Mayor Evelyn Diaz sa pagpirma ng Batang Pinoy Memorandum of Agreement kasama ang City Information Officer na si Paul Bacungan at Sangguniang Kabataan Federation president Nicole Balingao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?