89

By

50 estudyante na-‘food poison’ sa iced tea

Kinansela na ng Imus Institute Dimasalang Campus ang pasok ng mga estudyante ng hanggang Biyernes para maimbestigahan ang insidente ng pagka-food poison umano ng nasa 50 estudyante nito sa ininom na iced tea.

Ayon sa ulat sa dzmm, sumakit ang tiyan, nahilo at nagsuka matapos umanong makainom ng iced tea ang 46 na estudyante mula sa Imus, Cavite, na pawang mga high school.

Iniimbestigahan pa kung sa canteen ng paaralan o sa iba nabili ang iced tea, o kung dahil sa inumin mismo o ang yelong ginamit ang naging sanhi ng insidente.

Mula hapon ng Miyerkoles hanggang Huwebes dumagsa umano ang mga pasyente sa ospital kung saan acute gastroenteritis ang naging diagnosis sa kanila pero hindi inaalis ang posibilidad na na-food poison ang mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?