30

By

5-time Oscar nominee Albert Finney, pumanaw na

Patay na si Oscar-nominated British actor Albert Finney dahil sa karamdaman sa edad na 82.

Nakilala siya sa mga role niya sa “Annie”, “Erin Brockovich” at “Tom Jones”.

“Albert Finney, aged 82, passed away peacefully after a short illness with those closest to him by his side. The family request privacy at this sad time,” saad sa pahayag ng kanyang pamilya.

Ikinasawi umano ng aktor ay impeksiyon sa baga sa Royal Marsden Hospital sa London, Huwebes ng hapon, ayon sa Press Association news agency.

Katabi umano ng aktor ang asawa niyang si Pene Delmage at anak na si Simon nang yumao ito.

Ipinanganak siya sa Salford, England at sa edad na 17 ay napabilang na siya sa prestigious Royal Academy of Dramatic Art.

Nagsimula siyang umarte sa mga teatro bago nagbida sa “The Entertainer” noong 1960.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?