16

By

5 sunod na talo tutuldukan ni Kat

Mga laro Sabado/Setyembre 21:

(Malolos Sports and Convention Center)

2:00pm — Chef’s Classics vs Choco Mucho

4:00pm — BaliPure vs Pacific Town Army

Puputulin ng Choco Mucho Flying Titans ang limang sunod na kabiguan sa pakikipagsagupa kontra win-less team Chef’s Classic sa unang laban alas-2 ng hapon sa Sabado sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa Malolos Sports and Convention Center.

Kukuha ng lakas ang Choco Mucho kay Kat Tolentino matapos gumawa ng game-high 33 points sa losing effort kontra Motolite.

Pero tiyak sasalagin ito ni Nieza Viray ng Chef’s Classic, na nais ding makapasok sa win-colum tangan ang 0-9 panalo-talo kartada.

Salpukan naman sa second game ang Pacific Town Army at BaliPure sa alas-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?