66

By

5 patay, 330 sugatan sa malakas na lindol sa Iran

Inuga ng magnitude 5.9 na lindol ang northwestern Iran nitong Biyernes.

Lima katao ang nasawi habang 330 pa ang sugatan sa lindol, ayon sa Iranian state-run Press TV.

Tumama ang lindol ng alas-dos ng madaling-araw sa East Azerbaijan Province.

Mahigit 50 aftershocks din ang naitala kaya nawasak ang karamihan ng mga gusali sa lugar.

Nakatungtong ang Iran sa major fault line sa pagitan ng Arabian at Eurasian plates kaya madalas itong makaranas ng mga lindol.

Noong November 2017, kumitil ng mahigit 400 na katao ang malakas na magnitude 7.3 quake malapit sa Iran-Iraq border.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?