11

By

5-anyos na lalaki, sinalba ang 7 kapamilya, aso sa sunog

Kung hindi dahil sa isang 5-anyos na batang lalaki, posibleng nasawi ang isang pamilya sa nasusunog nilang bahay.

Nagising umano si Noah Woods, Linggo ng umaga, nang makita nito ang sunog sa kanilang kwarto.

Nang makita ito ay kaagad na ginising ang kanyang nakababatang kapatid na si Lily, kinuha ang kanilang aso at lumabas sa bintana.

“I picked Lily up, got to the window with Lily, got the dog and got out,” ayon kay Noah sa WSB. “That’s it, and I got myself out.”

Pumasok naman muli sa bahay si Noah at ginising ang kanyang tito at dito na inalerto ang iba pang kapamilya.

“If it wasn’t for Noah – I mean we were all asleep so we wouldn’t have known what was going on,”ayon sa lolo nitong si David Woods. “We could’ve all lost our lives.”

Dahil dito’y gagawaran ng Bartow County Fire Department ng Lifesaving Award si Noah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?