894

By

5-anyos ginahasa saka tinapon sa ilog ng tiyuhin

Karumal-dumal ang sinapit ng isang 5-anyos na batang babae matapos matagpuang palutang-lutang sa ilog at wala nang saplot sa Barangay San Miguel, Calumpit, Bulacan.

Ayon sa ulat, paggising umano ng pamilya ng biktimang si Ashley Nicole Silva, hindi na ito mahagilap.

Hinanap nila ito kung saan-saan hanggang sa mapunta sila sa ilog.

Naghinala ang tiyahin ng biktima na si Melva Silva nang ituro ng suspek na si Marvin Mengulio, 23-anyos, kung nasaan ang pajama ng una.

Nang bitbitin sa presinto ang suspek na tiyuhin ni Ashley, umamin ito sa ginawang krimen dahil kakabatak lang umano niya noon ng solvent nang dalhin ang natutulog na biktima sa ilog at halayin.

Nang magising ang biktima, itinulak umano ito sa ilog hanggang sa malunod.

Hindi umano ito ang unang beses na ginawa ng suspek ang pangyayari dahil lumabas na may record na ito ng pangmomolestiya sa bata.

Mahaharap siya sa kasong rape with homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?