41

By

5-0 start ng Phoenix, walang bigat – Wright

Hindi kumbinsido ang Phoenix Fuel Masters star na si Matthew Wright na sila na ang team to bear ngayong PBA Philippine Cup sa kabila ng busilak na record para simulan ang season.

Ayon kay Wright, na kakagaling lang sa nakapapanabik na panalo kontra NLEX Road Warriors, 83-82, noong Miyerkoles, marami pa umano silang dapat trabahuhin para maituring na contender ngayon kumperensya.

“We haven’t done anything,” pakli ni Wright. “In my opinion, we’re still in the middle of the pack, we just happened to have a 5-0 record right now.”

Sa kanilang naging pagsabak kontra sa NLEX, ibinuhos ni Wright ang kanyang pitong puntos sa 17 points para maeskapo ang panalo.

“It was a weird game. We were up by 17, then we were down by 11, and then at the end of the game it’s almost like rugby. I’m just glad we were able to get out of this victorious, because if not, we would have a rough day in practice,” dagdag pa ng two-time PBA All-Star.

Si Wright ang nangunguna para sa kanyang koponan, nag-aaverage ng 19.8 points, 6.4 rebounds, 4.8 assists and 2.2 steals.

Itong Linggo ang magiging pinakadagok sa magandang simula ng Phoenix ngayong season, haharapin ang second best team base sa record na Rain or Shine bago tumulak sa break para sa 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?