33

Jun 30, 2020 @ 18:32
By

4K test kada araw! SMC magbubukas ng COVID-19 testing center sa EDSA

Inihayag ng San Miguel Corporation (SMC) na magbubukas ito ng COVID-19 testing center sa EDSA sa Hulyo 3.

Kayang magsagawa ng 4,000 test kada araw ang nasabing testing center, na gagamit ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test, ayon kay SMC President Ramon Ang sa annual shareholders meeting ng kompanya.

Kung kinakailangan, kaya para raw itong mapalaki sa 12,000 test kada araw.

“This Friday bubuksan natin laboratory natin sa EDSA na makaka-process ng 4,000 per day PCR testing for COVID-19. Ito po expandable po ito up to 12,000 a day if needed,” wika ni Ang.

“Napakarami po natin ginagawa para makatulong sa mga kababayan natin. Makakaasa po kayo na hindi tayo maghe-hesitate na tumulong sa mga kababayan natin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?