72

By

49 estudyante nalason sa spaghetti sa Negros Occidental

Isinugod sa pagamutan ang nasa 49 estudyante ng Grade 1 dahil sa pagsusuka, pagkahilo at pagdudumi matapos makakain ng handang spaghetti sa kanilang Christmas party, Huwebes ng umaga sa Bago City, Negros Occidental

Ayon sa report ng Local Disaster Risk Reduction Management Office ng Bogo City, nakaramdam ang ilan sa mga Grade 1 student ng Maao Elementary School ng panghihina dulot ng pagsusuka at pagtatae na sintomas ng food poisoning.

Ayon naman kay Principal Roberto Angay, 49-anyos, posibleng dahil sa inihaing spaghetti na kinain ng mga estudyante ang sanhi ng food poisoning na kung saan nagbayad ang mga estudyante ng tig-P100 para sa spaghetti, fried chicken at kanin.

Tiniyak naman ng may-ari ng catering service na magbibigay ito ng tulong pinansyal sa mga naapektuhang estudyante.

Ilan sa mga mag-aaral ay dinala sa clinic ng barangay habang ang ilan ay inilipat na sa Bago City Hospital.

Kaagad namang kumuha ng sample ng spaghetti ang Bago City Health Office upang maisailalim sa laboratory test.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang City Health Office ng Bago kaugnay sa nagyaring pagkalason ng mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?