62,804

47,078 pasaway na miyembro ng 4Ps sinibak ng DSWD

Nasa 47,078 miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ng buong Region 1 ang tinanggal sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kanilang iregular umanong gawain at pag-uugali.

Ayon kay DSWD-Region 1 (DSWD-R1) spokesperson Jaesem Ryan Gaces, kaya nagkaroon ng mga hindi kwalipikado sa 4Ps ay dahil sa mga paglabag sa ilang kondisyon ng programa.

“They have reached the maximum of third offense for their misconducts, among which are cash card pawning, gambling, drinking (alcohol) vice,” ani Gaces.

Sa datos ng DSWD-R1, mula sa mga natanggal na mga beneficiary, 24,331 dito ay mula sa Pangasinan; Ilocos Norte, 6,063; Ilocos Sur, 8,937; at 7,747 sa La Union.

“They can no longer avail of the 4Ps’ benefits but they can still avail of other services by DSWD,” sabi ng tagapagsalita.

Hinikayat ng Gaces ang publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan tungkol sa sinumang 4Ps beneficiaries ang hindi tumutupad sa kanilang alituntunin.

“The reports will be acted upon by our office provided the complaints are backed with evidence. We will conduct (an) investigation and (once) the complained beneficiary reaches third offense, they might be delisted,” saad ni Gaces.

Samantala, nasa 6,958 na mga beneficiary sa buong rehiyon ang nadeklarang “self-sufficient” or waived mula sa 4Ps.

“They are those who voluntarily waived (no longer accept benefits from 4Ps) as they believe, and based on the parameters, (they) can now stand on their own even without government subsidy,” ani Gacen.

Sa Region 1, mayroong total na 189,985 na aktibong mga kabahayan na nasa 4Ps, ayon kay Gascen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?