89

By

44 katao inireklamo ng PDEA kaugnay ng shabu magnetic lifters

Nagsampa ng reklamo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa 44 katao na sangkot umano sa bilyong pisong shabu sa magnetic lifters na lumusot sa Maynila at Cavite ilang buwan na ang nakalilipas.

Kasong conspiracy to commit illegal drug importation, trade and transportation, at paglabag sa board regulations sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng PDEA sa pangunguna ng kanilang hepe na si Director General Aaron Aquino sa Department of Justice.

Ilan sa mga kinasuhan ng PDEA ay sina dating Senior Superintendent Eduardo Paderon Acierto, ex-PDEA deputy director general for administration Ismael Gonzales Fajardo Jr., dating Customs intelligence officer Jimmy Guban, Police Inspector Lito Pirote, at Joseph Dimayuga.

Sangkot din si General Mariano Alvarez, Cavite, kasama ang mga kompanyang He Zhong Consultancy Co. Inc., Red Day Machinery Parts Corporation, Yida Equipment Crane Limited Company, Dong Trieu Trading and Import/Export Service Trading Company Limited, All Systems Logistics, Inc., SMYD Trading at kanilang mga opisyal.

Samantala, mapapansin na hindi kasama si dating Bureau of Customs chief na si Isidro Lapeña sa mga inireklamo dahil wala umanong matibay na ebidensya kontra dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?