930

By

42-anyos na suspek umamin na obsess siya kay Christine Silawan

Umamin ang isa pang naarestong suspek sa karumal-dumal na pagpaslang kay Christine Lee Silawan na obsess siya sa biktima at siya umano ang pumatay dito.

Ayon sa ulat ng Inquirer, isiniwalat din ng 42-anyos na suspek na nanloloko siya ng mga kabataang babae para maka-sex nito.

Kabilang umano ang suspek sa drugs watchlist ng Lapu-Lapu City Police Office dahil sa pagiging drug pusher at drug user.

Nagtungo ang mga pulis sa bahay ng suspek ng Abril 9 para tanungin ito tungkol sa pagkakadawit sa pagkamatay ni Silawan pero nang siyasatin ang tahanan nito ay nakita ang isang kalibre .45 na baril dahilan para arestuhin siya sa illegal possession of firearms sa Barangay Bankal kung saan kasama niyang naninirahan ang kanyang live-in partner at limang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?