32

By

400 trak ng basura, burak nahakot sa Manila Bay

Nakakolekta umano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 3,018 cubic meters ng mga basura at burak sa isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Katumbas umano ng 400 trak ang nakuhang mga basura at burak mula sa Roxas Boulevard at mga daanan ng tubig mula Enero 27 hanggang Mayo 17.

Unang inilunsad ang Manila Bay Rehabilitation Project ng Department of Environment and Natural Resources noong Enero 27.

Layon nito na linisin sa mga basura at iba pang debris ang Manila Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?