30
‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust

400 kilo ng cocaine natagpuan sa Russian embassy sa Argentina

Narekober ng mga pulis ang mahigit sa 400 kilo na cocaine sa embahada ng Russia sa Buenos Aires sa Argentina at inaresto ang mga miyembro ng isang drug trafficking syndicate.

Ayon kay Argentina security minister Patricia Bullrich, nadiskubre ang iligal na droga na nagkakahalaga ng $50 sa annex building ng embahada.

Aniya, gumagamit ang sindikato ng diplomatic courier service sa Russian embassy para ibiyahe ang droga sa Europe.

Naglunsad ang Russian at Argentina police na operasyon matapos abisuhan ng Russian ambassador ang tungkol sa illegal drugs na natagpuan din sa nasabing gusali noong Disyembre 2016.

Sa nasabing operasyon, nadakip ang lumang suspek – dalawang Argentinian at tatlong Russian, at narekober ang 16 na sako ng cocaine.

Ibabiyahe sana ang mga iligal na droga sa Russia at Germany kung saan nakatira ang mga lider ng grupo.

Isa sa mga naarestong suspek ay naturalized Russian at miyembro ng police force ng Buenos Aires.

Naniniwala ang mga imbestigador na galing Colombia o Peru ang mga nasabat na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?