36

Jan 26, 2020 @ 14:09
By

400 kabayo binebenta ng mga bakwit sa Batangas

May 400 kabayo sa Taal Volcano Island ang binebenta ng mga residente na nasa iba’t ibang evacuation center sa Batangas.

Ang mga kabayo ay nabatid na pinagbibili sa mga slaughterhouse sa halagang P15,000-P30,000, habang ang iba naman ay inampon pansamantala ng ilang may bukirin.

Nananawagan ang mga may-ari ng mga kabayo sa ibang may-ari na pansamantalang ampunin muna kung hindi mabili ang kanilang mga kabayo, habang hindi pa bumabalik sa pormal ang kanilang pamumuhay, upang hindi maibenta sa mga katayan.

May isang farm sa Batangas na pumayag na ampunin muna ang may 50 kabayo.

Nalaman sa isang veterinarian na si Jay Tolentino ng Department of Agriculture’s (DA) Emergency Livestock Rescue Center sa Lipa City, Batangas na marami na sa mga kabayo ang nagkaroon na ng respiratory tract infection matapos malanghap ang ash fall.

Nabatid na maraming kabayo at baka ang pansamantalqng kinakanlong sa DA sa may Lipa City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?