41

By

40-second knockout pinalasap ni McGregor vs Cerrone

40 segundo lang ang kinailangan ni Conor McGregor para mapatumba si Donald Cerrone.

Tila hindi man lang pinagpawisan ang Irish MMA fighter sa kanyang comeback fight sa UFC 246, nagsimulang mahilo si Cerrone nang masipa at ma-corner ang Kano.

Dito na nagpaulan ng mga upak si McGregor dahilan para mapahiga ito sa octagon.

Todo ang pag-cover ni Cerrone sa kanyang mukha, ngunit nang makita ni referee Herb Dean na hindi na ito makaganti ay tinigil na nito ang laban, 4:20 ang nalalabi sa first round.


Dahil dito’y si McGregor ang kauna-unahang UFC fighter na nagka-knockout victory sa tatlong weight division (featherweight, lightweight at welterweight).

“I like this weight division, it’s good going up and down, I’m in shape,” ayon kay McGregor matapos masungkit ang panalo. “I’m not there yet, there’s work to do to get to where I was. I’ll party, celebrate, any of these fools can get it. It does not matter.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?