44

By

40 buses dineploy ng DOTr sa kasagsagan ng MRT-3 Holy Week shutdown

Nagsimula nang magpakalat ang Transport authorities ng 140 na mga bus na magsasakay sa mga commuter sa kasagsagan ng maintenance shutdown ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong Semana Santa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang mga bus ay magsasakay at magbababa ng mga pasahero sa mga MRT-3 station mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue mula ala-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Magsisimula ang operasyon ng mga bus mula April 15 hanggang April 17 at April 20 hanggang April 21 at ang pamasahe ay katulad din ng sa MRT-3, saad ng DOTr.

Kaninang alas-8 ng umaga, sinabi ng DOTr na bumyahe na ang unang 112 mula sa 140 na mga bus.

Una nang inanunsyo ng MRT-3 ang suspension ng operasyon ng train system sa Holy Week upang magbigay daan sa taunang general maintenance works.

Bukod sa 140 na mga bus mula sa DOTr, sinabi rin ng Metropolitan Manila Development Authority na magdedeploy ito ng 100 pang mga bus para sa mga commuter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?