35
arrested
By

4 swak sa iligal na pagmimina sa Benguet

Arestado ang apat na minero matapos maaktuhang iligal na nagmimina sa Goldfield sakop ng Barangay Poblacion, Itogon, Benguet noong Lunes.

Kinilala ni Itogon Police Station (IPS) commander P/Maj. Romel Sawatang na sina Johnny Sembrano Blosok, 33; Roel Akfiawen Charog, 23; Crisostomo Kisman Todco, 22, at Jason Te-en Mansueto, 34, pawang mga binata at mga residente ng Goldfield, Poblacion, Itogon, Benguet.

Ayon kay Sawatang, nakatanggap ang IPS ng tawag sa isang concerned citizen sa nasabing barangay at sinabing nasa aktong iligal na nagmimina ang mga suspek.

Agad umanong rumesponde ang IPS operation unit at inaresto ang mga suspek.

Narekober ang 30 sako ng gold ores at mga kagamitan sa pagmimina.

Sabi ni Sawatang, nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek at nakakulong ngayon sa IPS detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?