1,380

Jun 30, 2020 @ 10:47
By

4 sundalo walang ginawa: PH Army nanggalaiti sa PNP!

Hindi tatantanan ng Philippine Army ang insidente ng pagpaslang sa apat na tauhan ng military intelligence team na pinagbabaril ng mga pulis sa Jolo, Sulu nitong Lunes.

Sa statement ng Army, nilahad nito na sakay ng isang sports utility vehicle ang dalawang officer at dalawang enlisted personnel na bahagi ng 11th Infantry Division para hanapin ang mga miyembro ng Abu Sayyaf at mga suicide bomber sa Sulu.

Bandang alas-2 ng hapon ay hinarang ang mga sundalo ng mga tauhan ng Jolo Municipal Station na nagbabantay sa checkpoint ng Jolo, at ayon sa Army ay nagpakilala naman umano ng maayos ang kanilang mga tauhan ngunit pinagbabaril pa rin ang mga ito.

Dahil dito’y inutos ni Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay ang full-blown na imbestigasyon para mapanagot ang mga pumaslang sa kanilang mga sundalo.

“The soldiers were on a mission to identify the location of known terrorists in the area. Based on eyewitness accounts, no altercation transpired between the two parties nor was there any provocation on the part of Army personnel to warrant such carnage,” ayon kay Gapay, na sinabing wala umanong miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency ng mangyari ang insidente, taliwas sa report ng Sulu police.

“The Army grieves and condoles with the families of our fallen men. There will be no let up in our quest for truth and justice,” aniya pa.

Pinag-utos na ni Interior Secretary Eduardo Año na disarmahan at idetine ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?