475

Jun 29, 2020 @ 19:33
By

4 sundalo todas sa mga pulis sa Sulu

Patay ang apat na sundalo matapos barilin ng mga pulis sa Sulu nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa initial report ng Sulu police, namataan umano ng Sulu Drug Enforcement Unit at mga pulis sa Jolo ang isang sports utility vehicle (SUV) kung saan hinarang nila umano ang mga ito.

Dito nagpakilala ang apat na sakay ng SUV na mga sundalo mula sa Armed Forces of the Philippines, ngunit hindi kumbinsido ang pulisya at inutusan ang mga ito na magtungo sa police stations sa Jolo.

Matapos umanong makarating sa police station ay biglang umarangkada ang apat na kalalakihan patungo sa isang barangay, ngunit biglang tumigil at pagbaba ay may mga dala na umanong armas.

Tinutukan umano ng baril ang mga pulis dahilan para gumanti sila ng putok sa mga nagpakilalang sundalo na humantong sa kanilang kamatayan.

Samantala, kinumpirma naman ni AFP Western Mindano Command chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na mga sundalo ang napatay ng mga pulis, kung saan nagpatawag na siya ng imbestigasyon hingil sa pamamaril sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?