497

Jun 30, 2020 @ 9:24

4 sundalo nag-eespiya vs ASG nang mapatay ng mga pulis

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na nagsasagawa ng intelligence work laban sa Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu ang apat na sundalong napatay ng mga pulis.

Ayon sa sport report, dumaan sa checkpoint ang sasakyan ng mga nasawi at hinanapan sila ng idenfitication card.

Ayon kay Arevalo, nakasibilyan ang mga ito dahil nagsasagawa ng intelligence work.

Minabuti aniya ni AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr. na dumulog sa National Bureau of Investigation para magkaroon ng independent investigation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?