129

By

4 ‘persons of interest’ sa pagsabog sa Jolo sumuko

Apat na persons of interest sa nangyaring pambobomba sa Jolo cathedral ang kusang nagtungo sa pulisya nitong Miyerkoles para itanggi ang pagkakaugnay nila sa insidente.

Naunang lumutang sina Alshaber Arbi, 18, estudyante mula sa Caluang National Highschool; at Gerry Isnajil, guro sa Kalingalan Caluang High School.

Sinamahan sila nina Gov. Sakur Tan at Mayor Peping Halun sa pulisya sa Sulu Miyekoles ng umaga.

Anila, bibili lang sila noon ng gamot sa isang botika na malapit sa naturang simbahan nang mangyari ang pagsabog.

Itinanggi ng isa sa mga ito na siya ang alyas Kamah, na kinilala ng mga awtoridad na miyembro umano ng Abu Sayyaf.

Sumuko umano sila dahil sa takot na tugisin sila ng mga pulis.

Matapos nito, lumutang na rin kaninang hapon ang dalawa pang persons of interest sa pagsabog.

Ito’y sina Alsimar Mahamud, 24; at Julius Abdulzam Albi, 17.

Kapwa rin itinanggi ng dalawa na may kinalaman sila sa Jolo blasts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?