90

By

4 pang testigo sa anomalya sa BuCor lalantad – Sotto

Apat pang mga bagong testigo ang nakatakdang lumutang sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa kontrobersiyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) law at anomalya sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa panayam nitong Miyerkoles, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nilagdaan niya ang pitong subpoena, kung saan kabilang sa mga ipapatawag ang mga dating preso at kawani ng BuCor.

“As we speak, one of the persons that has been issued a subpoena is on the way here and we will keep him overnight until tomorrow [Thursday],” pahayag ni Sotto sa mga reporter.

“Merong dating inmate, merong mga dating BuCor officials. We expect them to be able to tell everything that has happened in the Bureau of Corrections since before up to the present,” dagdag pa nito.

Ang mga testigo ay maglalahad ng kanilang mga nalalaman tungkol sa pag-release ng mga preso batay sa GCTA law gayundin sa pag-avail ng bilanggo kaugnay ng tinatawag na ‘hospital pass for sale’ scheme sa New Blibid Prison.

Umaasa naman si Sotto na matatapos na ang pagdinig sa Huwebes para makapagsumite na umano ng committee report ang Senate Blue Ribbon at Justice committees sa plenary.

“I hope so, so that a committee report will be able to hurdle the plenary already,” sabi ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?