13
May-ari ng car shop arestado sa pagnanakaw ng sasakyan
By

4 notoryus akyat-bahay member huli sa QC

Nasakote ng mga awtoridad ang apat na sinasabing notorious na miyembro ng akyat-bahay gang sa isinagawang follow-up operation sa Batasan Hills, Quezon City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ng Quezon City Police District ang mga suspek na sina Jomar Esguerra, 28; Joseph Reyes, 19; Jimro Hafalla, 21, at Arnold Bayotas, 26, na pawang nakatira Brgy. Batasan Hills.

Ayon kay Batasan Police Station 6 Commander P/Lt. Col. Romulus Gadaoni, ang apat ay nadakip habang papalabas sa niloobang tahanan ng biktimang si Kharl Justin Sumagaysay dakong alas-2:30 ng madaling-araw, November 14.

Dahil sa takot na saktan at patayin, nagkunwari umano si Sumagaysay na mahimbing na natutulog kahit alam niyang inakyat at pinagnanakawan siya ng mga suspek.

Sinabi ni Sumagaysay, pagkalabas ng mga suspek sa kanyang tahanan ay agad siyang tumawag sa Police Station 6 na mabilis namang nakapagresponde at naabutan ang mga kawatan.

Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang cellphone, relo, alahas at P17,500 cash na pag-aari ni Sumagaysay.

Nakasamsam din sa mga suspek ng apat na sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba’t ibang ID.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na ang apat ang siyang responsable sa mga nagaganap na nakawan sa mga bahay-bahay sa Quezon City.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong robbery at pagalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?