52

4 naghati sa titulo ng 2019 BNTV Cup

Matapos mapawi ang ulap ng alikabok, apat na kalahok ang nanatiling matatag hanggang sa huli upang magtapos na may tigsiyam na panalo at maghari sa labanan ng halos 1,800 entries upang pagsaluhan ang kampeonato ng 2019 BNTV Cup 9-Stag Early-Bird 9-Stag Derby matapos ang grand finals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong nakarang Lunes, ika-9 ng Setyembre.

Handog nina Joey Sy & Eddie Boy Ochoa na may buong suporta ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang early-bird concept ng BNTV Cup ay ginamit na din ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) at ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (PFGB-Digmaan).

Nagtapos na may perpektong iskor na 9 na puntos ang mga lahok na Boss Boyet Sept. 21 3stag/Cock Bday Ulutan (Boyet Samson), Gold Cup (Anthony Pineda & Rey Briones), JEBL GF (Banjo & Jokie) at Optimus GF (Neil Camello / Daniel Delos Reyes).

Runner-up naman sa iskor na 8.5 puntos sina N&N (Jeric Uy) at Sapot (Leonardo Manalo / Napo Sahagun).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?