1,235

By

4 na Panday Sining member inaresto, mga artista nanawagan: Makatwiran ang mag-graffiti!

Kinundena ng ilang artista at grupo ang pag-aresto ng Manila Police sa apat na miyembro ng Panday Sining na kagagaling lang sa Bonifacio Day protest kahapon, Nobyembre 30.

Sa isang pahayag sa Facebook, kinwento ng kultural na grupo na dinakip ng mga naka-sibilyang pulis ang apat nilang miyembro, kasama na ang isang menor de edad, sa terminal ng SM Manila.

“They were man-handled and beaten while being dragged outside the jeepney,” lahad pa nila.

Bago ang insidente, nakilahok ang grupo sa protesta kahapon.

“To commemorate the birth anniversary of Andres Bonifacio, Panday Sining’s protest art posed the question: “What would Bonifacio do?”,” saad nila.

Agad namang naglabas ng mga pahayag ang ilang artist group, gaya ng Concerned Artists of the Philippines (CAP) at Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA).

https://www.facebook.com/artistangbayan/photos/a.217690818242635/2960416723970017/?type=3&permPage=1

“Ang panunupil sa mga artista ng bayan at sa malawak na sambayanang lumalaban ay insulto sa mayamang kasaysayan ng ating pakikibaka sa mga manlulupig–lalo na sa rebolusyong 1896 na nagpapatuloy pa hanggang ngayon,” giit ng SAKA.

Nakiisa rin sa panawagang palayain ang mga dinakip na aktibista ang mga artistang sina Mich Cervantes at BP Valenzuela, at label na NOFACE RECORDS.


“street art is not a crime. freedom of expression is not a crime. expressing discontentment and anger at the choices of our tyrannical government is not a crime. #StopTheAttacks,” tweet ni BP.

Una nang binatikos ang Panday Sining sa kanilang street art sa Lagusnilad underpass na ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno at sinabing ipadidila sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?