127

4 na lola sa Romblon, viral sa pag-indak!

Game na humataw ang apat na lola sa Romblon habang kinakantahan ng kanilang apo.

Sa video ni Mary Joy Guntan na binahagi ng Romblon News Network, makikita ang pagsayaw ng mga lola sa saliw ng tugtog na ‘Why’ ni Frankie Avalon.

Nangyari ang pagsayaw sa San Andres Romblon.

Mayroon nang lampas 54,000 views, at 1,500 shares ang nasabing video.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?