54

By

4 kadete kinasuhan sa pambubugbog ng plebo

Sinampahan ng kasong kriminal ang apat na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na sangkot umano sa pambubugbog kay Cadet fourth class John Desiderio.

Maliban sa kasong administribo na nauna ng isinampa sa apat na kadete ay nasampahan na ng kasong paglabag sa Anti-Hazing law ang mga ito dahil sa pambubugbog kay Desiderio.

Sa impormasyon mula sa Cavite Police, nasampahan na sa Imus City Prosecutors Office ng paglabag sa Republic Act 11053 o anti-hazing law ang mga kadete na sina: Cadet 3rd Class Jovan V Sernat; Cadet 2nd Class Clarence A Cabucos; Cadet 3rd Class Aaron Dahryl Villanueva at Cadet 3rd Class Paul B Birung.

Matatandaan na noong nakaraang buwan isinugod sa ospital si Desiderio matapos dumaing ng pananakit ng tiyan dahil sa pisikal na pang-aabuso.

Samantala, sinabi naman ni PNPA spokesman Police Lieutenant Colonel Byron Allatog na kaya apat lang ang nasampahan ng kaso ay dahil lumabas na ang isa pang kadete na iniimbestigahahan ay walang direct participation sa hazing.

Gayunman, kahit wala itong kasong kriminal ay hindi pa rin ito lusot sa kasong administratibo.

Sa loob ng 20 araw inaashang lalabas ang resolusyon sa kaso at mayroong posibilidad na ang mga kadete na sangkot umano sa hazing ay masibak sa PNPA, depende sa magiging ‘appreciation’ ng summary hearing officer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?