62

Mar 8, 2020 @ 18:08
By

4 dedo sa gumuhong COVID-19 quarantine site sa China

Apat na ang naitalang patay matapos bumagsak ang isang Chinese hotel na ginagamit bilang quarantine facility para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quanzhou, China.

Sa ulat din ng ITV News, sinabing 38 katao ang nasagip habang 71 ang na-trap sa Xinjia Express hotel na gumuho kagabi, Marso 7.

Higit 1,000 bumbero at pitong rescue dog ang pinadala sa lugar, ayon sa Ministry of Emergency Management.

Nagbukas dalawang taon ang nakalilipas, ginamit ang hotel bilang isolation site ng mga taong nakahalubilo ng mga nagpositibo sa sakit.

Ayon sa ‘di tinukoy na hotel employee, sa ulat ng Beijing Youth Daily, nagsagawa ang may-ari ng “foundation-related construction” bago ang trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?