67
Pulis na dawit sa pag-torture sa preso, arestado sa Tondo
By

4 dampot sa buy-bust sa Marikina

Arestado ang apat na mga drug user sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Marikina Police sa Barangay Barangka, Miyerkoles ng gabi.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Nolasco Bathan, nakilala ang mga suspek na sina Zyra Delos Reyes y Nabus, 21-anyos, Jonathan Ortega y Ricaforte, 26-anyos, Winston Bayaga y Asis, 54-anyos at Randy De Jose y Ricaforte, 51-anyos, pawang mga residente ng Marikina City.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU bandang alas-10:50 Miyerkoles ng gabi sa Block 4 Lot UBB, Barangay Barangka, Marikina City matapos makatanggap ng tip na positibong nagtutulak ng droga ang mga naarestong suspek.

Isang pulis ang nakipagtransaksyon para makabili ng shabu at nang ibibigay na ang droga ay agad nang dinampot ang apat na suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, mga shabu paraphernalia at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell habang hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?