213
Epektibong pangontra sa ASF sa Pampanga: Entry ban sa imported meat
By

4 bayan sa Tarlac apektado ng ASF

Apat na bayan sa lalawigan ng Tarlac ang panibagong apektado ng African Swine Fever (ASF).

Ito ang kinumpirma ni Tarlac Gov. Susan Yap at sinabing ang mga apektado ng ASF ay Tarlac City at bayan ng Victoria, Capas, Concepcion at La Paz.

Ayon kay Yap ang panibagong kaso ng ASF sa mga lugar sa Tarlac ay kinumpirma ng regionsl animal disease diagnostic laboratory na nagsagawa ng blood test sample na kinuha sa mga alagang baboy sa Tarlac.

Sa pahayag ni Tarlac provincial veterinarian officer Dr. Ma. Lorna Baculanta, kinausap niya ang mga agricultural officer ng nasabing mga lugar na mag-implementa ng “1-7-10” quarantine protocol.

“Under this setup, hogs within a 1-kilometer radius of the infected area are culled even if they are unaffected by the disease. Those within the 7-km radius are placed under surveillance while those within the 10-km radius will undergo mandatory monitoring,” ani Baculanta.

Sa Barangay Bawa, Gerona, Tarlac, namatay ang ilang baboy sanhi ng ASF nang makuhanan ito ng blood test ng mga veterinarian.

Samantala, sa Pangasinan at Bataan, mahigit na 21 na baboy ang kinuhanan ng blood sample at naging positibo ito sa ASF disease.

Sa Bimmaley, Pangasinan, mayroong 21 na alagang baboy sa Barangay Linoc ang kinunan ng blood sample at naging positibo ito sa nasabing sakit.

Ayon kay Binmaley agriculturist officer Fernando Ferrer, 31 na baboy ang namatay sa nasabing bayan dahil sa sakit na ASF.

Ang mga nasabing baboy na namatay sa ASF, ayon kay Ferrer, ay ibinaon na lamang sa lupa.

Sa Bataan, ilang mga baboy ang naging positibo sa ASF matapos ang ginawang blood sample ng mga veterinarian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?