86

By

4 bata patay sa 4 nagkarambolang sasakyan sa Sultan Kudarat

Patay ang anim katao habang lima ang sugatan matapos salpukin ng SUV ang kinakarerang pick-up truck at sinalpok ang kasabayang tricycle at motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Purok 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat, Biyernes ng madaling araw.

Batay sa report, naganap ang aksidente bandang alas-4:00 ng madaling araw, Disyembre 13, sa highway ng Purok 9 na kung saan nakitang tila nag-uunahan sa kalsada ang SUV at pick-up truck at nahagip nila ang ilang kasabayang tricycle at motorsiklo.

Unang binangga umano ng SUV ang isang tricycle at nadamay ang kasunod nitong isa pang tricycle na may sakay na mga bata, motorsiklo at pick-up na agarang ikinasawi ng anim na tao, kabilang ang apat na bata, habang lima pa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng apat na sasakyan.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?