61
4 arestado sa paggamit ng pekeng credit card
By

4 arestado sa paggamit ng pekeng credit card

Apat na miyembro ng hinihinalang credit card fraudsters na nag-o-operate sa Metro Manila ang nadakip ng mga awtoridad.

Nag-ugat umano ang operasyon laban sa mga suspek matapos magreklamo ang security officer ng Resorts World hinggil sa isang babae na gumamit ng pekeng credit card.

Kinilala itong si Czarynah Datu, 37-anyos.

Sa naging interogasyon kay Datu, isiniwalat nito ang iba pa niyang kasabwat kaya nagkasa ng follow-up operations sa Maynila at Quezon City at dito nadakip sina Paul Cabalza, 45; Eduardo Nera Jr., 41; at Teresita Caranglan, 61.

Kinumpirma ng bangko na ginagamit ang nakumpiskang credit card kay Datu sa mga iligal na transaksyon.

Kabilang sa narekober sa mga suspek ang isang skimming device, Louis Vuitton Booklet na naglalaman ng sari-saring card information at contact numbers ng target nilang biktima, credit cards at mga ID.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Access Devices Regulation Act of 1998, The Philippine Passport Act of 1996 at Falsification by private individuals and use of Falsified Documents.

Samantala, pinayuhan naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar ang mga may-ari ng credit card na maging alerto sa paggamit nito at kung maaari ay tingnan ang aktuwal na pag-swipe sa kanilang mga card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?