51

May 23, 2020 @ 11:54
By

3rd honor sa PMA class of 2020, dumaan sa matinding hirap

Iba-iba ang istoryang kinakaharap ng mga nagsipagtapos ngayong taon sa Philippine Military Academy.

Isa sa mga nagpursiging maging sundalo ay si Jefferson Salazar, na nasungkit ang third highest honor sa PMA class of 2020.

Napag-alaman na galing si Salazar sa pamilyang salat sa buhay, kaya napabilang sa mga benepisyaryo ng gobyerno sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Nagpapasalamat kami dahil siya’y nag-tagumpay. Sana lagi siyang magpakabait. Kung ano siya noon, sana gano’n pa rin ngayon,” ayon sa tatay ni Jefferson sa panayam sa 24 Oras.

Sinagawa ang pagtatapos ng PMA nitong Biyernes kung saan nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang teleconferencing app na Zoom.

Gumawa naman ng kasaysauan si Cadet First Class Gemalyn Sugui bilang ika-anim na babaeng naging PMA valedictorian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?