61

By

3rd gold nasakote ng PH eSports

Muling nag-uwi ng ginto ang Philippine eSports team sa torneong Starcraft 2 mula sa pangunguna ni Caviar Napoleon Acampado o kilala sa pangalang EnDerr matapos talunin ang Singapore 4-1 sa 30th SEA Games nitong Martes, Disyembre 10 sa FilOil Flying V Centre.

Matatandaang dinomina ni Acampado ang elimination round hanggang semis matapos makakamit lamang ng isang talo kaya siya napunta agad sa upper bracket finals.

Ang isang talo ni Acampadi ay mula rin sa nakatunggali niya sa gold medal match na si Kopankiewicz ng Singapore kaya naman resbak agad ito sa finals upang kunin rin ang gintong medalya.

Ito naman ang ikatlong ginto ng bansa sa eSports matapos magkampeon din sa Mobile Legends: Bang Bang at sa Dota 2 nitong mga nakaraang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?