93

3rd gold medal ng ‘Pinas sa arnis, sinungkit ni Cunamay

Hakot ng medalya ang Pilipinas sa arnis para sa 30th Southeast Asian Games.

Kinuha ni Villardo Cunamay ang ikatlong sunod na gintong medalya ng bansa sa live stick lightweight division sa pamamagitan ng majority decision sa event na ginawa sa Angeles University Foundation, Pampanga nitong Linggo.

Tinalo ng 47-anyos na atleta si Mengly Yong ng Cambodia sa medal rounds.

Samantala, una nang nagwagi sina Dexter Bolambao at Niño Mark Talledo sa kani-kanilang weight class sa arnis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?