38

By

390 kilo ng ‘hot meat’ kumpiskado sa Abra

Nasamsam ng mga miyembro ng Provincial Veterinary Office-Abra (PVO-Abra) ang 390 kilo ng karne ng baboy sa isang checkpoint sa Barangay Tangadan, San Quintin, Abra noong Sabado.

Ayon kay PVO-Abra regulatory officer chief Dr. Jomarh Zales, ang mga nakumpiskang karne ay pag-aari ni Rebecca Canlas, alyas Rebecca Marcelino, na lulan ng isang pampasaherong bus.

Sinabi ni Zales, ang mga nakumpiskang karne ay nakalagay sa anim na sako na nakasilid sa mga karton, kabilang dito ang mga tenga at atay ng baboy.

Sa report ng PVO-Abra, sumakay si Rebecca sa San Fernando, La Union at ihahatid ang mga karne ng baboy sa Bangued.

Sa checkpoint, walang maipakitang shipping permit at certificate of meat inspection si Rebecca kung kaya tinuturing itong mga hot meat.

Sinabi ng hepe ng PVO-Abra na isa rin itong paglabag sa Executive Order Blg. 15 ni Abra Gov. Joy Bernos na pinagbabawal ang pag-aangkat sa Abra ng mga karne at frozen meat product ng baboy.

Agad na inutos ng ahensiya na sunugin ang mga nakumpiskang karne ng baboy para hindi na kumalat sa merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?