30

By

39 points inukit ni Perez, Dyip nakaisa na

Sinungkit ni CJ Perez ang career high 39 puntos Sabado ng gabi upang tulungan ang Columbian Dyip na malasap ang unang panalo.

Binigo ang NLEX Road Warriors 120-105 sa eliminasyon ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.

Nagbaba ang Dyip ng 30 puntos sa ikalawang yugto at 39 sa ikatlo habang nilimitahan ang Road Warriors sa 17 at 28 puntos lamang upang maaga nitong siguruhin ang pagsungkit sa pinakauna nitong panalo matapos na malasap ang tatlong sunod na kabiguan.

Nagsilbi ding baon ang panalo sa farewell game ni Columbian import Kyle Barone matapos na magdesisyon ang pamunuan ng Dyip na humanap ng kapalit sa beterano sa ASEAN Basketball League. Nagtala si Barone ng 31 puntos, 7 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks.

Itinala ng Dyip ang pinakamalaki nitong 32 puntos na abante sa 103-75 mula sa isang jumper ni Jackson Corpuz, may 8:58 pa sa ikaapat na yugto.

Isang beses lamang nakapitan ng NLEX ang abante sa 16-15 iskor mula sa isang tres ni Philip Paniomogan sa 4:03 minuto ng first quarter sa paghulog ng Road Warriors sa 16-4 atake.

Gayunman, ito na ang naging huling pagdikit ng NLEX na giniyahan ni assistant coach Jojo Lastimosa dahil sa pagbabakasyon ng head coach na si Yeng Guaio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?