28

By

38 barangay sa QC nawalan ng tubig, sinisi sa Meralco

Itinurong dahilan ng Manila Water Company Inc., ang pagkaaksidente sa isang high-voltage line na nagsusuplay ng kuryente sa mga pasilidad nito sa Balara, Quezon City kaya nawalan ng tubig ang 38 barangay sa lungsod.

“Due to the accidental damage of a high voltage line supplying power to our facilities in Balara, Quezon City, several facilities needed to operate under generator-set power supply, affecting the operations of our treatment plant,” sabi ng Manila Water 4:18pm sa Facebook at Twitter nito.

Dahil generator lang ang pinagkukuhanan ng kuryente, maaaring mawalan ng tubig o mababa ang pressure sa 38 barangay sa Quezon City at maaring magkakulay ang tubig.

Ang mga apektadong barangay ay: Alicia, Amihan, Bagong Pag-asa, Bahay Toro, Batasan Hills, Blue Ridge A, Blue Ridge B, Botocan, Central, Culiat, Escopa I, Escopa III, Escopa IV, Industrial Valley, Krus na Ligas, Libis, Loyola Heights, Malaya, Marilag, Matandang Balara, Milagrosa, New Era, Old Capitol Site, Pansol, Pasong Tamo, PInyahan, Project 6, Ramon Magsaysay, Saint Ignatius, San Vicente, Santo Cristo, Sikatuna Village, Tandang Sora, Teachers Village East, Teachers Village West, U.P. Campus, U.P. Village, at Vasra.

Sabi ng Manila Water, nakikipag-ugnayan na ito sa para maayos ito.

Ang mga may-ari ng Meralco ay siya ring may-ari ng Maynilad Water Services Inc. at PLDT/Smart na pinangungunahan ni Manny V. Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?