60

Dec 6, 2019 @ 14:41
By

34 babae na magtatrabaho sana sa Saudi, nasagip sa NAIA

Naharang ang may 34 kababaihan na magtutungo sana sa Saudi Arabia kung saan sila iligal na ni-recruit para magtrabaho bilang household service workers.

Ayon sa Bureau of Immigration, na-rescue ang mga biktima sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Pasakay na sana ang mga babae, na nasa pagitan ng edad 20 at 30, sa Saudi Airways flight patungong Riyadh noong Nobyembre 30.

Hindi sila pinayagang makalipad nang mapansin ng mga immigration officer ang iregularidad sa kanilang mga travel document.

Itinurn-over na ang mga kababaihan, na hindi na pinangalanan dahil sa prohibition sa Anti-Trafficking Law, sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan at maimbestigahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?