43

May 1, 2020 @ 16:31
By

34-anyos na Pinoy nurse, ginupo ng coronavirus sa UK

Pumanaw sa coronavirus disease ang isang Filipino nurse na nagtatrabaho sa London.

Walang anumang sakit at malusog ang pangangatawan ni Ken Lambatan, isang research nurse sa cardiology ward ng St. George’s Hospital, nang dapuan siya ng virus, ayon sa The Sun.

Namatay si Lambatan nang dumanas ng hypercoagulation, isang kondisyon na nagdudulot ng sobrang blood clotting, matapos tamaan ng virus.

Si Lambatan ay isa sa halos 100 National Health Service worker na namatay dahil sa pagiging frontliner kontra COVID-19 sa UK.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?