168
car-accident
By

32 sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa Isabela

32 katao ang nasaktan sa banggaan ng isang air-conditioned bus, isang sports utility vehicle at isang farm hand tractor sa Santa Maria, Isabela noong Linggo (Abril 14).

Ayon kay Police Capt. Frances Littaua, Isabela police spokesperson, ang banggaan ng tatlong sasakyan ay dulot ng overspeeding ng Toyota Fortuner SUV na siyang nakadali sa hand tractor o kuliglig sa Barangay Naganacan.

Ang papalapit na Florida bus ay gumewang-gewang matapos mabangga ang kuliglig, saad ng mga imbestigador.

Nasaktan sina Bilyo Danga, driver ng kuliglig, at Jerome Wangdali, driver ng SUV sa naganap na banggaan.

Sugatan din ang driver at 29 pasahero ng Florida Bus.

Ni-rescue ng Santa Maria Police ang mga biktima at dinala sa Elvin Masigan Municipal Hospital para malunasan.

Samantala ang mga biktimang matindi ang injury ay inilipat sa Cagayan Valley Medical Center sa Tugegarao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?