32

By

31 Chinese tiklo sa pagnanakaw ng impormasyon sa internet

Nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 31 Chinese na nagnanakaw umano ng mga impormasyon sa internet para makakulimbat ng pera, sa isang bahay sa Ayala Alabang kahapon ng madaling-araw.

Sinalakay ang bahay kung saan naabutan pa ang mga banyaga habang nagko-computer at nakikipag transaksiyon sa loob ng isang kuwarto.

Mga call center agent umano ang mga ito kung saan nakita sa kanilang mga computer ang mga transaksiyon na nakasulat sa Chinese.

Sa puwesto ng isa sa call center agents ay nakita pa ang limang nakasaksak na cellphones na ang ibig sabihin umano ay may lima itong kliyente.

Ayon sa tagapagsalita ng NBI na si Atty. Ferdinand Lavin, ginagamit umano ng mga suspek ang pag-o-operate ng online gambling para makahikayat ng parokyano. Sa pamamagitan nito, mananakaw nila ang mga impormasyon ng mga biktimang gamblers at magamit ito para pagkaperahan.

Kakasuhan ang 31 Chinese ng computer-related fraud, paglabag sa Access Device Regulation Act at Cybercrime Prevention Act. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?