106

By

31 bata patay sa lychees sa India

Nasa 31 bata ang namatay dahil sa lychee sa northern India.

Pinaniniwalaang nagmula ang dinanas ng mga biktima na deadly brain disease sa toxic substance na nasa lychee fruit na masagana sa dalawang ospital sa Muzaffarpur district.

Nagpakita rin umano ng sintomas ng Acute Encephalitis Syndrome ang mga batang nasawi na karamihan ay biglang nawala ang glucose sa kanilang mga dugo.

Naglabas na ng advisory sa publiko ang health department para mapangalagaan ang kanilang mga anak sa nangyayaring outbreaks ng disease kapag summer months sa Muzaffarpur.

Dumadanas din umano ng outbreaks ng neurological illness sa mga lychee-growing region gaya ng Bangladesh at Vietnam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?