100

Jun 30, 2020 @ 19:48
By

31 barangay sa Maynila nilagay sa ‘hard lockdown’

Isinailalim ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 31 barangay sa “hard lockdown”.

Magsisimula ang lockdown ng 12:00AM ng July 1 at matatapos ng 11:59PM sa July 2.

Ito aniya ay upang magbigay-daan sa disease surveillance, testing operation at rapid risk assessment sa COVID-19.

Ang mga sumusunod na mga barangay ang sasailalim sa ECQ:

As of June 30, mayroon nang 2,309 kumpirmadong COVID-19 case sa lungsod kabilang ang 845 nakarekober at 128 namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?