53

Apr 10, 2020 @ 18:58
By

300 frontliner pinakain ni Angelica Panganiban

Kaiisa si Angelica Panganiban sa mga celebrity na tumutulong sa mga frontliner na humaharap sa banta ng coronavirus disease.

Sa kanyang Instagram post, binahagi ng aktres na nakapagbigay ito ng 300 ready to eat meal sa mga frontliner.

“Kahapon po ay nakapag bigay kami ng 300 hundred ready to eat meals para sa ating mga frontliners at ibang lugar sa atin na nahihirapan pang makakuha ng kanilang supplies,” sabi ni Angelica.

Nagpasalamat din siya sa mga tumulong sa kanya para maisagawa ang kanyang pamimigay ng libreng pagkain.

View this post on Instagram

Kahapon po ay nakapag bigay kami ng 300 hundred ready to eat meals para sa ating mga frontliners at ibang lugar sa atin na nahihirapan pang makakuha ng kanilang supplies. Maraming salamat @tipsypig_ph (Timog branch) para sa pag bukas ng kusina, kay chef @jared_stotomas at sa mga kusinero natin na hindi nag dalawang isip tumulong. Sa napakasarap na mga inihanda ninyo. Sweet&sour shrimp, chopseuy, Pampano, baked salmon, pusit, fried chicken, blue marlin, calamares at burger. Salamat din sa lahat ng nakasama namin ni @pocholobarretto at sumama kayo mag repack ng pagkain. @msbarbieimperial @smokey_manaloto @legslegaspi @khangkers @rejiiie 😃 salamat din sa mga donations. Eco bags from @keshmeister at yung mga nag donate ng cash, barbie, @gumabaomarco @chiefilomeno @debsgarcia @legslegaspi Mark Soriquez, eric, johnny and nestor. Naipadala po namin ang mga pagkain sa Diliman Doctors Hospital c/o Doc Reg Santos, Philippine heart center c/o Dra. Longos, at sa AFP, kasama na din ang mga nasunugan sa Caloocan kahapon. Thank you @neil_arce & @ryanordonez sa pahintulot na buksan at gamitin ang branch natin. P.S sinamahan na namin ng konting sayaw ang pag handa ng pagkain. Sana umabot sa inyo ang mga indak namin. Mabuhay kayong lahat 💟

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on


“Naipadala po namin ang mga pagkain sa Diliman Doctors Hospital c/o Doc Reg Santos, Philippine heart center c/o Dra. Longos, at sa AFP, kasama na din ang mga nasunugan sa Caloocan kahapon… P.S sinamahan na namin ng konting sayaw ang pag handa ng pagkain. Sana umabot sa inyo ang mga indak namin. Mabuhay kayong lahat,” sabi pa ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?