920

By

30 Pinay star kinilala ng Metro Magazine

Nag-uumapaw ang kinang nang pinagsama-sama ng Metro Magazine ang 30 paborito nitong Pinay cover girl sa pagdiriwang ng kanilang 30th anniversary issue.

Sa temang “Celebrating three decades of stylish, independent women,” hinati ang mga kilalang personalidad sa tatlong grupo: The Vanguards na mula 1989 hanggang 1999; The Icons, 1999 hanggang 2009; at The Luminaries, 2009 hanggang 2019.

Parte ng Vanguards sina Angel Aquino, Charlene Gonzalez-Mulach, Claudine Barretto, Dawn Zulueta-Lagdameo, Joey Mead King, Judy Ann Santos-Agoncillo, Lucy Torres-Gomez, Mikee Cojuangco-Jaworski, Ruffa Gutierrez, at Tweetie de Leon-Gonzalez.

Icons namang tinuring ng magazine sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Bea Alonzo, Erich Gonzales, Heart Evangelista, Iza Calzado, KC Concepcion, Maricar Reyes-Poon, Solenn Heussaff, at Toni Gonzaga.

Magkakasamang nag-pose ang Luminaries na sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Lovi Poe, Maja Salvador, Maymay Entrata, Megan Young, Nadine Lustre, Pia Wurtzbach, at Sarah Lahbati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?