15
ABANTE TNT bi immigration philippines operation
By

30 Chinese na iligal na nagtatrabaho sa bansa, dinampot ng BI

Sharing is caring!

Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang 30 Chinese nationals na walang kaukulang permit at visa pero nagtatrabaho sa ilang establisyimento sa Parañaque City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli ang mga dayuhan noong Huwebes matapos lumabag sa Philippine Immigration Act.

Nakatanggap umano ng impormasyos ang intel ng BI hinggil sa mga dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa

16 na establisyimento sa Solemare Parksuites at Aseana Power Station na nasa Diosdado Macapagal Boulevard kaya nagsagawa sila ng operasyon.

Nagtatrabaho umano ang mga dayuhan na cooks, hairstylists at vendors nang walang kaukulang papeles at karamihan umano ay may tangan lang na tourist visa at overstaying pa.

Pansamantala namang ikukulong ang mga inaresto sa BI Detention Center sa Bicutan, Taguig City habang pinoproseso ang kanilang deportasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?