628
Ibang level! Mga international team naglalaway kay Kai Sotto
By

3 top US university naglalaway kay Kai

Kung dati ay tila ilang siglo pa ang bubunuin bago magkaroon ng Pinoy homegrown talent sa pangmalakasang liga ng NBA, ngayon ay posibleng ilang taon na lang ang bubunuin para masakatuparan ang pangarap ng bawat hoops fan.

Patuloy ang pag-arangkada ng pangalan ni Kai Sotto sa mga collegiate scout, tila nakaganda ang pag-eensayo nito sa practice facility ng NBA team na Atlanta Hawks dahil nae-expose na ang 17-anyos kung paano ang training sa America at international brand of play.

Sa ilang mga video na binahagi ng trainer ng tinaguriang ‘Kaiju’, makikita ang improved handles nito, ganon din ang nagkalaman ang katawan maging ang umayos na porma ng kanyang shooting.

Nagbunga naman ang pag-eensayo ni Sotto, na sinungkit ng Atlanta-based basketball program na The Skill Factory na naging tulay para makilala ang kanyang pangalan sa mga scout, na mas naging maugong pa lalo’t isa siya sa top performing player ng koponan sa abot 17 points per outing.

Sa mga sunod-sunod na laro din ni Sotto ay umarangkada na rin ang pangalan niya sa NBA Draft Class for 2020, na maaari na niyang pasukin dahil sa rule ng liga na kailangan lang ay isang taon ang nakalipas matapos maka-graduate sa high school.

Sa 2020 Top ESPN 100 recruiting players, nasa ika-75 ang pangalan ni Kai, pagdating naman sa posisyon nitong sentro ay nasa 11th spot siya at naging four-star recruit na rin ayon sa credible sports site.

Dahil dito ay biglang bumuhos ang fillers ng mga nais makasungkit sa serbisyo ng Pinoy prodigy.

Unang nagpatakam si Kai sa Kentucky University, na isa sa mga dominanteng programa sa US NCAA na hawak ang record ng all-time wins sa 2,293 at may pinakamataas din na winning percentage sa .765.

Nitong Martes, oras sa Manila ay nakipagkita sina Sotto at kanyang tatay na si Ervin kay Kentucky Wildcats coach John Calipari para sa isang unofficial visit sa naturang unibersidad.

Ngunit isang araw lang ang nakalipas ay dalawang koponan pa ang nagpakita ng interes kay Sotto.

Unang bumisita si Kai sa Georgia Tech kung saan makikitang nakasuot na siya ng jersey ng naturang eskuwelahan ay may pa-standee pa para i-welcome ang Pinoy hooper para rin sa kanyang unofficial visit sa campus grounds.

Dito ay sinalubong siya ni Yellow Jackets coach Josh Pastner, at kung sakaling matuloy dito si Kai ay may malaking tsansang maging star player ng koponan na salat sa division title buhat noong 2014.

Isa pang nagparamdam ay ang DePaul University Blue Demons nang mag-home visit ang coach ng koponan na si coach Dave Leitao kay Kai.

Sa social media, may kanya-kanyang nang opinyon ang mga netizen kung saan ba dapat mapunta ang NBA-caliber prospect.

“Choose Georgia Tech! Added incentive: dalhan ka namin ng favorite mong Filipino food!” ayon kay @ViajeraFilipina.

“If you have an offer from Kentucky don’t wait, snatch it up and let’s go!” giit naman ni @RStone_1.

“Come to Kentucky! We would LOVE to have you here! You will be THE DIFFERENCE!” pakli naman ni @boaz_yah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?